Saturday, March 26, 2011

(22) La Mesa Eco Park.




Oh yes! Ang mga biglaan date talaga ang mga natutuloy. :) At imbes na kaming dalawa lang, nakasama pa namin ung ibang ahente ko. Super enjoyed!

*Tagalog trip*

Papasok pa lang sa lugar, namangha na ko. Dama ko na ang pagkakalikasan ng lugar. Langhap ko na rin ang malamig na simoy ng hangin. Tipong kahit anong taas at init ng haring araw ay hindi mo mararamdaman dahil malamig ang ihip ng hangin.. salamat
sa mga puno na tumatakip din sa araw!

Pagdating namin sa mismong lugar.. sobrang namangha na talaga ko. Ang ganda! Ang ganda tignan ng mga puno sa paligid. Nabanggit din ng isa sa mga kasama namin na isa sa mga lugar yun na pinagganapan ng Imortal ni Angel Locsin and John Lloyd. Naalala ko nga un! At naaliw naman ako.. bilang isang tagahanga ng palabas na yun. Hehe!


Naglibot-libot kami sa lugar. Ang maganda lalo sa lugar ay isang daan lang siya. Hindi siya ung tipo nang napuntahan namin na Avilon Zoo na pipili ka kung san ka patungo at pag dumaan ka doon, maaaring hindi mo na mapuntahan ung daan na hindi mo pinili.


May nadaanan kaming paliguan na hind gumagamit ng klorin bilang panglinis. Ang tanging gamit niya ay asin, parang sa dagat lang! Nakakaanyaya ang lugar at nakakadismaya sapagkat hindi kami naging handa. Hindi kami nakapagdala ng damit pampaligo.. sayang! Hindi ko pa nararanasan ang makaligo sa ganoong klase! Syempre, iba pa rin ung dagat kesa doon.

Onting lakad pa, nakita na namin ang hagdan ng mga bulaklak papuntang La Mesa Dam. Sabi nila, 100 hakbang pero nung binilang namin, hindi naman! At kahit anong init, hindi pa rin kami pinagpawisan ng sobra dahil sa lamig ng hangin. Nakakaaliw pa ang lugar dahil meron din doong hugas paru-paro na gawa sa bulaklak. :)


Pag lingon mula sa taas, sobrang mamamangha ka sa lugar. Ang ganda ng luntiang lugar na un!


Maya-maya pa ay may nakita kaming tao na nakasakay sa kabayo at lumilibot sa lugar. Sa totoo lang, hindi pa ko nakakaranas sumakay dito. Kaya ang ginawa namin, nagbayad ng 50 pesos para makapagkuha kami ng mga litrato habang nakasakay dito. Mura siya para sa ming lahat kasi nagpalitrato lang naman kami. Kung gusto lumibot habang nakasakay dito, parehas lang ang bayad pero syempre, mag-isa ka lang nakasakay. Sa susunod, pag nagkaroon ulit ng tyansa na mangyari un, susubukan ko talaga! Kahit papano, sapat na rin ung nakasakay na ko sa kanya. :)

Lakad pa uli hanggang makapasok kami sa maliit na kagubatan. Hindi namin alam kung san ang patungo. May nakita pa kaming puno na parang may pintuan papuntang ibang dimensyon. Haha! Hindi na namin sinubukan magpapicture at baka biglang may humatak sa amin.

Paglabas namin ng tinatawag na "foot trail", naghanap kami ng mabibilhan ng inumin. Tumingin sa mga malaking isda. Nagliwaliw sa damuhan at nagpakuha ng litrato. Maraming salamat Haring Araw, sobrang liwanag ng litrato namin!


Umakyat kami sa palaruan ngunit madaming batang naglalaro. Syempre, hindi na kami nakiagaw. Ang pananghalian namin ay noodles. Unang beses ko makakain ng fried noodles! At nasarapan naman ako.. mabuti na lang! :) Nag-chismisan habang kumakain.

Onting lakad pa palabas, napagdesisyunan naming magpa-henna. Tapos hinanap kung saan pwede mamangka ngunit kasalukuyan siyang inaayos. :( Onting tawid at nakita na namin ang lugar kung saan pwede maglaro.. At oo, unang beses namin ni R mag-"wall climbing"!

-Tapos-


0 comments:

Post a Comment